Una sa Balita

Pulong Selection 13-U kampeon sa GST Basketball

By
0 196

Nakamit ng Paolo Pulong Duterte Selection 13-U ang kampeonato sa liga ng GST Basketball na isa sa mga proyekto ng Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament na ang layunin ay ang mabigyan ng tamang eksposyur ang mga bata na makalaban ang iba’t ibang teams dito sa Pilipinas.

Pawang mga schoolbased at commercial team ang kalahok dito at nagpapasalamat kami sa walang sawang pagsuporta ni Boss Paolo Duterte sa team namin at naniwala sa mga batang nanggaling sa iba’t ibang iskuwelahan at barangay.

Ang Pulong Selection ay binubuo nila Irus Chua, Andre Herrera, Carlos Cantorna, Timoty Cruz, Jayjay Galloso, Ico Gabriel, EJ Sison, Luis Barros, EJ Gayosa, Mike Santiago, Bry Razal, Tyron Tecson at ang tinanghal na Most Valuable Player (MVP) na si Ian Chua.

Abante Hiring – IT dep

***

Magkakaroon naman ng paliga sa dara­ting na Hulyo sa Ateneo Moro gym na tatawaging Breakdown Basketball.

Ito’y pangunguna­han nina Gil Salanda­nan, Jay Adevoso at Wilson Lagaras na pawang beterano sa larangan ng pagpapaliga sa grassroot level hanggang sa college level.

Kaya hindi nag-atubiling partisipahan ang paliga ng AMA basketball program na may edad 25 under, 17 under at 15 under. Noong nakaraang taon, ang AMA ay nagkampeon sa 17-under sa maalab na pag-suporta nina AMA Chairman Amable R. Aguiluz V at President Amable C. Aguiluz IX, gayundin sina Sr. VP Arnel Hibo at Area Head Jay Villarruz III.

***

Binabati ko nga pala ng belated Happy Father’s Day ang aking ama na si Lito Herrera, mga kapatid ko na sina Peter at Paul Herrera, aking bayaw na si Herbert Hung at kay coach VL Sandali sa kanyang bouncing baby girl.

Good luck din sa team ng San Beda SBP at San Beda Passerelle na parehong malakas na mga koponan, sa Zamboanga Family Sardines Valientes at Davao Occidental MPBL Team sa kanilang buena manong panalo.