Una sa Balita

Pulong ng Tapang at Malasakit Sports wagi bilang congressman

0 159

Isa sa inaasahang mananalo nitong katatapos lamang na eleksyon ay ang amin­g founder ng Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament na si Paolo ‘Pulong’ Duterte.

Ang hangarin ay makatulong sa kapwa niya hindi lang sa kanyang kinasasakupan sa unang distrito ng Davao City kundi sa buong Pilipinas.

Nagpapatunay ako bilang head ng sports ay umikot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para magpalaro.

Ito ay open sa lahat ng kabataan at dahil dito ay paplanuhin namin na maging mas maganda at maayos ang susunod na season dahil isa ang sports sa prayoridad ng ating Congressman Pulong Duterte dahil mismo ang ating congressman ay magaling maglaro ng basketball at volleyball.

Binabati ko rin si Mayor Sarah Duterte at Baste Duterte sa kanilang pagkapanalo bilang mayor at vice mayor ng Davao City at ang no.1 partylist na ACT-CIS ng Tulfo brothers.

Binabati ko ang Octagon Tires & Accesories 12-under team sa kanilang pagka-champion sa Breakdown 3on3.

Magsisimula na ang UCSAA pre-season sa May 25, 2019 na lalahukan ng aming mahal na eskuwela, ang AMA University.

Lubos na sinusupportahan ng aming chairman, Ambassador Amable R. Aguiluz V at a­ming president, Dr. Amable C. Aguiluz IX.

Ang aming koponan ay binubuo ng mga batang manlalaro na pinangungunahan ni GMA-Kapuso Artist Andre Paras na kasalukuyan ding naka-enroll sa AMA University.

Katuwang ni Andre sila Nicholas Estibar, Fran Asuncion, Airness Alao, JD Sayat, Joshua Sabile, Alec Catorce, Alvin Fuentes, Benz Nacpil at Jay R Dela Rosa.

Binabati ko rin ang aking tatay sa basketball na si Coach Vergel Meneses na nanalo bilang mayor ng Bulacan, Bulacan.

Mabuhay ka at siguradong ang sports program niya sa Bulacan ay magiging maganda.

Magkakaroon ng AMA Cup Season 3 na tournament kaya iniimbitahan namin na sumali lahat po ng school-based, barangay at club teams na ang mga player ay dapat ipinanganak taong 2000-2001, 2002-2003 at 2006.

Ito po ay proyekto ko bilang sports director ng AMA University.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy