Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulong, Mayor Sara pinag-iingat ni Duterte sa pera ng bayan

0 152

Pinag-iingat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga anak sa mga hinahawakang pondo ng bayan para hindi mapulaan at hindi maakusahan ng katiwalian.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang regular na mensahe sa bayan kung saan isa sa mga tinalakay ay ang talamak na problema ng katiwalian sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na matagal na siyang politiko at nagsilbi sa bayan at maipagmamalaki nitong wala siyang isyu ng korapsiyon.

Mahigpit na bilin aniya sa kanya ng yumaong ama na kung gusto nitong magtagal sa politika ay dapat manatiling malinis. Kaya ito rin ang payo niya sa kanyang mga anak na sina Congressman Paulo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“My father was a governor of Davao noon. He told me ,” if you want to go into politics and you want to remain there for a time, stay clean. Stay clean,” anang Pangulo.

“Iyan ang siansabi ko kay Inday pati kay Pulong. Huwag kayo pumasok, sumobra, especially si Pulong, sa accounts siya ngayon sa committee. Be sure to account every money up to the last centavo para ang tao walang masabi,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.