Una sa Balita

‘Pulitika’ sinisilip sa Masbate journalist slay case

By
0 127

Pulitika ang nakikitang dahilan ng pamilya ng pinaslang na mamamahayag na si Joaquin “Jun” Briones Jr.

Ayon sa nakatatandang kapatid ni Jun na si Rey Briones, isa ring peryodista at executive director ng pahayagang Filipino Mirror, kilalang aktibong kritiko ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Milagros, Masbate ang kanyang kapatid.

Sinabi ni Briones na mas matimbang sa kanila ngayon ang away sa pulitika kaysa sa trabaho bilang mamamahayag ang dahilan ng pagpaslang sa kanyang kapatid.

Nag-umpisa umanong maging aktibong kritiko ng lokal na pamahalaan si Jun noong pumalaot sa pulitika ang asawa nitong si Tess Briones na tumakbong konsehala ng bayan.

Hindi rin umano ito ang unang insidente ng patayan sa kanilang lugar simula noong election 2016 kaya naniniwala ang pamilya na may kaugnayan pa rin sa pulitika ang pagpaslang kay Jun.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy