Una sa Balita

Pulis umaming ka-pot session ang kabaro

0 236

POSITIBO sa paggamit ng shabu ang isang police corporal na nakadestino sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City at umamin pang kasama sa pot session ang isa pang pulis.

Ito ang kinumpirma ni National Capital ­Region Police Office (NCRPO) chief Police Brig ­General Debold Sinas sa isinagawang press ­briefing ­kahapon.

Ayon kay Sinas, lumabas ang resulta ng kanilang surprise drug test noong Enero 14 at ­nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga si P/Cpl. Anthony Romano, nakatalaga sa Regional Intelligence Division ng NCRPO.

Sa isinagawang confirmatory test ay muling nagpositibo si Romano.

Sinabi rin ni Romano na mayroon pa itong kasamang pulis sa mga pot session. Matagal rin umano siyang gumagamit ng shabu na halos nasa tatlong taon na.

Pinaamin na rin ni Sinas kung saan kumukuha ng iligal na droga ang nasabing pulis.

Sa ngayon ay dinisarmahan na ang nasabing pulis at inilagay na ito sa holding unit ng NCRPO.

Ayon kay Sinas, sasampahan na ng kasong ­administratibo si Romano na ngayon ay nasa ­holding unit ng NCRPO habang hinihintay ang desisyon ng dismissal order nito.

Iniimbestigahan na rin ang mga lugar kung saan ginagawa ang pot session na sinabi ni ­Romano. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More