Una sa Balita

Pulis todas sa engkuwentro kontra NPA

0 327

TIGOK ang isang pulis sa naganap na sagupaan kontra mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Janiauy, Iloilo, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang nasawing si PCapt. Efren Espanto Jr., team leader ng 6th Reconnaissance Company ng Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National ­Police (PNP).

Sa ulat na ipinadala ni Police Captain Dadje Delima, hepe ng Janiauy Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente pasado alas-sais ng gabi sa Brgy. Aglobong ng nabatid na bayan nang makasagupa ng grupo ni Espanto Jr. ang hindi pa batid na bilang ng mga NPA mula sa Central Front Committee.

Tumagal ng halos 30 minuto ang palitan ng ­putok kung saan nasapol umano sa parteng mata si Espanto Jr. dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Patuloy naman ang ginagawang hot persuit ope­ration ng pulisya laban sa mga tumakas na mga rebelde. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More