Una sa Balita

Pulis tinodas ng tulak sa buy-bust

0 322

NASAWI ang isang pulis habang nasa kalagitnaan ng buy-bust ­operation nang barilin ng ­tulak sa Barangay Mambaling, Cebu City Martes nang hapon.

Sa Miller Hospital ­binawian ng buhay si Police Master Sgt. Maximino Macua Jr., miyembro ng Special Operation Unit ng Philippine Drug Enforcement Group, habang nilalapatan ng lunas sa natamo nitong mga tama ng bala.

Alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Nagpanggap umano si Macua na poseur buyer sa target na suspek pero nakahalata umano ito kaya agad itong pinaputukan bago tumakas ng mabilis.

Nahuli sa follow up operation ang suspek na bumaril sa pulis na ­nakilalang si Franco Obeso, habang nagpapagamot ito sa ospital dahil sa tama rin bala. Kalaboso rin ang kasama nitong si Jeremea Zafra.

Sa isa pang ope­rasyon dalawang mga kasamahan pa ng suspek ang napatay sa ­Sitio Cauyan, Brgy. Quiot, ­habang nadakip si ­Richie Requinto.

Kinalungkot ni PNP Chief General Archie Gamboa ang pangyayari. Ayon sa opisyal ­delikado ang gawain ng poseur buyer dahil hindi ito maaaring magsuot ng bullet proof vest at magdala ng baril sa isang ­operasyon.

“Ang instruction ko ay still standing ‘wag kayong pauna, ‘pag ­binunutan kayo ay una­han niyo na, ‘pag may nakita ­kayong baril ­unahan niyo na, ‘wag kayong pauna…and rest ­assured that the ­Phi­lippine ­National ­Police (PNP) will be at your back to defend you,” ­pahayag ni Gamboa.

Si Macua ang ­ika-57 pulis na namatay sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na ­droga simula noong 2016. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More