Una sa Balita

Pulis tepok sa ikatlong pagtatangka

By ,
0 2

Tuluyang ‘napatahimik’ sa ikatlong pagtatangka ang isang pulis ng NCRPO matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagbabasa ng diyaryo sa harap ng gate ng kanilang bahay kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na nailigtas ng mga doctor sa United Doctors Medical Center (UDMC) si PO2 Joselito Imperial, 45, nakatalaga sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng NCRPO at idineklarang patay dakong alas- 8:35 ng umaga dahil sa mga tama ng bala ng baril sa dibdib, tiyan at braso.

Ayon kina SPO2s Jontahan Bautista at Donald Panaligan, ng Manila Police District-homicide section, alas-6:02 ng umaga habang nagbabasa ng diyaryo ang biktima sa harap ng kanilang bahay sa Calabash Road, Balic-balic, Sampaloc nang bigla na lang lapitan at pagbabarilin ng di kilalang suspek na sakay sa motorsiklong walang plaka.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Virgie, asawa ng biktima, nasa loob siya ng bahay nang makarinig ng apat na sunod-sunod na putok at makita na lamang na duguan ang mister.

Sinabi ni Virgie na isang angkan na ang mga miyembro ng pamilya ay pawang sangkot sa mga ilegal na gawain ang hinihinala niyang `nagpatrabaho’ sa kanyang asawa.

“Sila lang ang alam kong gagawa nito sa aking asawa. Dalawang beses na kasi nila itong pinatrabaho at kung anu-anong kaso ng harassment ang kanilang isinasampa sa asawa ko,” sambit pa ng ginang.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nabanggit na insidente.