Pulis-Tacloban tinaniman ng punglo

By

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng pulisya kaugnay sa pamamaril at pagpatay sa isang pulis sa Tacloban City, kahapon ng umaga.

Isang tama ng punglo sa ulo ang naging sanhi ng agarang kamatayan ng biktimang kinilalang si SPO4 Dennis Diaz, 47, deputy officer sa San Isidro, Leyte Municipal Police.

Ayon kay Sr. Insp. Alex Echon, head ng Station 1 ng Tacloban City Police, galing sa paliga ng Leyte Police Provincial Office si Diaz nang barilin ito ng hindi pa nakilalang gunman bandang alas-8:00 ng umaga sa Barangay 77 Marasbaras, sa lungsod.

Blangko pa ang pulisya sa pagkakilanlan sa suspek at kung ano ang motibo sa pagpatay. 

SHARE