Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis, sundalo bahala sa COVID bakuna

0 433

Gagawing vaccination center ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga police station sa sandaling magkaroon na ng bakuna kontra coronavirus (Covid-19).

Sa public address ni Duterte nitong Linggo ng gabi hininling niya sa Philippine National Police (PNP) na linisin ang mga presinto at inilahad ang planong paggamit sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para mamahagi ng bakuna.

“Ngayon itong bakuna ibigay ko sa pulis pati military. Hoy kayong mga pulis, makinig kayo sa akin ha, linisan ninyo ‘yang presinto ninyo and make it ready for the day. I pray that it would come,” pahayag ni Duterte.

“Iyon na lang mga police station mas malapit at saka marami. Basta doon only requirement is Pilipino ka, wala na. Kung gusto nila magpa-injection ng lima, magpaikot, hayaan mo, sige. If they want to have an overdose of the vaccine, go ahead,”dagdag nito.

Nauna anng sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na kaya ng gobyerno na pondohan ang libreng bakuna sa may 20 milyong Pilipino.(Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.