Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis, sibilyan todas sa bomb attack sa Maguindanao

0 187

Patay sa pambobomba sa Maguindanao ang isang pulis at isang sibilyan habang apat pa ang sugatan.

Pinaniniwalaang may koneksyon ang mga armadong lalaki sa isang local terror group sa nangyaring pambobomba malapit sa provincial police headquarters sa Barangay Poblacion, bayan ng Shariff Aguak noong Huwebes.

Kinilala ni Philippine National Police chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang namatay na pulis na si Police Master Sergeant Antonio Balasa habang nakilala lang na isang “Bobby” ang sibilyan.

Samantala, dinala ang apat na sugatang pulis na sina Police Staff Sgts. Larry Amoran at Guerero Domingo, at Police Corporals Guia Mangrag at Clyde Peria sa dalawang magkaibang ospital, dagdag ni Gamboa. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.