Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis sa Canada hanep mag-Bisaya

0 40

Naaliw ang maraming netizen matapos na mapanood ang video ng isang Canadian police na kinausap ang isang Pilipino sa wikang Bisaya.

Maririnig sa 22 segundong TikTok video ang pag-uusap ng isang sibilyan at isang pulis sa wikang Ingles. Pagkatapos ay napabigkas ng katagang Bisaya ang sibilyan na sinagot naman din ng pulis sa parehong wika.

Ang pulis na nakilalang si ‘Officer Rosa’, ay tubong Cebu City pala kaya marunong magsalita ng Cebuano, at kaibigan umano nito ang nag-upload ng viral video na si ZJ Monte.

Ayon kay Monte, ipinagmamalaki niyang naging kaibigan niya ang pulis dahil kaunti lamang ang mga Pilipino na alagad ng batas sa lugar nila sa Canada.

Sa kabila na isang Canadian Police, dala pa rin ni Officer Rosa ang kulturang Pinoy na kanyang kinagisnan.

Samantala, humakot na ng 4.7 milyong views at 572,000 likes ang naturang pag-uusap nina Rosa at Monte. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.