Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis-Pangasinan may palibreng gupit, cellphone

0 100

Tumanggap ng mga gulay, bigas at libreng gupit sa mga pulis ang nasa 80 residente ng Barangay San Felipe East sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan kahapon.

Ang inisyatibo ay mula sa mga pulis na nakatalaga sa 104th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 1, dagdag pa ang libreng check-up ng mga residente ng Sitio Lagpangan.

Bukod dito ay nagbigay din ng libreng cellphones at mga tactical flashlights ang mga pulis sa konseho ng barangay na magiging malaking tulong sa kanilang trabaho para sa maayos at payapang komunidad.

Pinasalamatan naman ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang mga pulis mula sa 104th Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 1 dahil sa `paayuda’ nila sa residente ng nasabing barangay lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Saludo ako sa ating mga pulis dito sa Pangasinan. Sana marami pa tayong matulungan sa mga ganitong mga simple ngunit makabuluhang proyekto,” saad ni Eleazar. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.