Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis naloko ng P1.2M sa ‘love scam’

0 58

Kahit pulis ay nabiktima din sa online love scam matapos itong makikilan ng isang babae na nagkunwaring stranded sa ibang bansa.

Napaulat na ni-report ng isang pulis mula Hong Kong ang modus ng kanyang kausap online kung saan nagbigay siya ng HK$200,000 o aabot sa P1.2 milyon.

Nakilala umano niya ang babae sa isang dating app noong Disyembre, at makalipas ang ilang buwan ay nanghingi na ito ng ma­laking halaga sa kanya.

Dahilan daw ng kanyang ka-fling online, nagging stranded umano ito sa Japan dahil sa COVID-19 pandemic at kailangan ng pera.

Matapos maibigay ang pera ay hindi na umano makontak ng pulis ang naturang scammer.

Sa Hong Kong, aabot na sa 905 ang kaso ng online love scam, kung saan pu­malo na sa HK$212 milyon (P1.3 bilyon) ang tantsang nanakaw ng mga suspek. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.