Una sa Balita

Pulis nagbenta ng shabu sa kabaro, kulong

0 424

ARESTADO ang pitong drug suspek kabilang ang isang aktibong pulis sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police kamakalawa nang gabi sa Taguig City.

Iniharap kahapon sa mga mamamahayag nina National Capital Region Police Office Director P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar, Southern Police District Director P/Brig. Gen. Nolacso Bathan at Taguig City Police Chief P/ Col. Alexander Santos­ ang mga suspek na sina P/CMSgt. Rahid Sanguan, nakatalaga sa Police Security Protection­ Group, taga-Upper Bicutan, Taguig; Normina Sanguan; Alfonso Obejas; Ernie Legaspi; Joseph Denjuan; Ronnie Mark Sueno at Nagrodin Ayob, pawang nasa hustong gulang.

Sa natanggap na report ni Bat­han, alas-6:15 kamakalawa ng gabi nang madakip ang mga suspek sa VP Cruz St., Brgy. Lower­ Bicutan, Taguig City matapos magkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng SDEU ng Taguig City Police bunsod na rin sa natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak ng droga ng mga suspek kabilang ang pulis.

Isa sa mga awtoridad ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng P500 halaga ng droga sa mga suspek hanggang sa maaresto ang mga ito.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa pitong suspek ang 6 plastic sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P27,200; 1 plastic sachet na naglalaman ng marijuana na P2,100 ang halaga, isang cellphone at P500 buy-bust money. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy