Una sa Balita

Pulis nagbaril sa ulo dahil sa depresyon

By
0 933

DAHIL sa matinding depresyon, isang pulis ang nagpasyang tapusin ang sari­ling buhay sa Bauan, Batangas kamakalawa nang umaga.

Isang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ni PO1 Mandael Manalo y Valdez, 26, miyembro ng Alitagtag Municipal Station, at residente ng Barangay Alagao, Bauan.

Natagpuan ito ng kanilang caretaker na duguang nakahandusay sa kanilang farm dakong alas-11:30 nang umaga.

Nasa tabi pa nito ang isang kalibre .45 baril na ginamit nito sa pagpapa­kamatay.

Ayon sa pamilya ng biktima, ilang buwan na ring dumaranas ng matinding depresyon ang biktima pero hindi nila akalain na hahantong ito sa kanyang pagpapatiwakal.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More