Una sa Balita

Pulis na wanted sa ex-insurance commissioner slay dedo sa engkuwentro

0 322

DEAD on-the-spot ang isang wanted na pulis na suspek sa pagdukot at pagpatay sa dating opis­yal ng National Insu­rance Commission (NIC) at kasama nito nang maki­pagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) at Cavite Police sa Kawit, Cavite.

Kinilala ang napatay na si Police Corporal Arlan Sanera Aguilar, da­ting naka-assign sa Camp Crame sa Quezon City at isang ‘di nakilalang kasama nito dahil sa tinamong bala sa katawan.

Sa ulat ni PSSgt. Alvin Murcia, ng Kawit Muni­cipal Police Station, naganap ang insidente dakong alas-2:30 kahapon nang madaling-araw sa Barangay Abaya Road, Barangay Toclong l, Kawit, Cavite kung saan patungo ang puwersa ng PNP-AKG, Regional Intelligence Division (RID) PRO4A, PIB Cavite PPO at Kawit MPS sa pamumuno ni Acting Director PCol. Jonnel Estomo sa lugar upang isilbi sana ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Matias Garcia II, ng RTC Branch 19, Bacoor City, Cavite sa kasong robbery with homicide laban sa suspek nang mamataan nito ang minamanehong motorsiklo.

Sinundan ang motorsiklo ng suspek subalit pinaharurot nito hanggang sa nakorner sa nasabing lugar. Imbes na tumi­gil ay nagpaputok ito ng baril hanggang sa nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa kanilang kamatayan.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre 45 na baril, mga basyo at bala, sachet ng hinihinalang shabu at isang motorsiklong Bravo Honda.

Si Aguilar ay matagal nang pinaghahanap ng pulisya dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkidnap at pagpatay kay Atty. Eduardo Torres Malinis, commissioner ng NIC kung saan tinali at pinagnakawan sa Bacoor City, Cavite noong Mayo 23, 2014.

Sangkot din ang suspek sa pagdukot sa ilang regional director officer ng Bureau of Internal Revenue kung saan sinasabing siya ang lider ng Gapos Gang. (Gene Adsuara/Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy