Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pulis na tumangging bigyan ng escort si Fabel Pineda parusahan’

0 1,101

Nais umano ng mga kamag-anak ni Fabel Pineda na mapanagot ang pulis na tumangging magbigay ng police escort sa rape/murder victim na dalagita.

Ayon sa Facebook post ng Philippines Defense Forces Forum, batay sa tiyuhin ng biktima na sumama sa paghahain ng reklamo laban sa dalawang pulis na gumahasa kay Pineda, tumanggi si Cabugao MPS Women’s Desk Officer PSSg Merly Joy Pascua na bigyan ng police escort ang biktima.

Arogante pa raw nitong sinabi sa kanila na, “Ano gusto n’yo, babantayan na lang namin kayo?”

Dito umuwi ang biktima kasama ang tiyuhin nito pero tinambangan sila ng tandem kung saan nasawi ang 15-anyos na si Pineda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.