Una sa Balita

Pulis na nang-rape ng suspek, sinipa

By
0 103

Sinibak na bilang desk officer ng Marilao Police Station ang isang rookie cop na matapos disarmahan ay nahaharap pa nga­yon sa kasong rape nang magreklamo ang isang 24-anyos na misis na dinakip sa kasong estafa na minolestiya sa loob ng istas­yon ng pulis­ya sa Marilao, Bulacan kamakailan.

Kasong kriminal at administratibo ang kinakaharap ngayon ni PO1 Marc Anthony Mendoza, desk officer ng Marilao Police Station sa Marilao, Bulacan nang ireklamo ng misis na si ‘Baby’, 24, na dinakip kamakailan ng awtoridad dahil sa kasong estafa ngunit ginahasa ng police officer habang nasa kustodiya ng pulisya.

Mismong si P/Supt. Amado Mendoza Jr., Marilao police chief, ang nagdala sa kanyang inireklamong tauhan sa tanggapan ni P/Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., Bulacan police director, sa Camp. Gen. Alejo S. Santos sa Malolos City matapos na dito direktang magreklamo ang biktimang misis na minolestiya ito sa loob ng police station. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy