Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis na namaril ng bagets, sinibak

0 100

Inaprubahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagtanggal sa serbisyo sa pulis ng Valenzuela City na namaril at nakapatay sa binatilyong may problema sa pag-iisip sa kanilang anti-illegal gambling operation noong Mayo.

Ipinag-utos ni Eleazar na sibakin si PSMS Christopher Salcedo kasunod ng ginawang review sa rekomendasyon ng Internal Affairs Service na ginawa ng Discipline, Law and Order Division sa ilalim ng Directorate for Personnel and Records Management at ng Office of the Chief PNP.

“I have signed the order for the dismissal from the service of PSMS Salcedo for grave misconduct and less grave irregularity in the performance of duty,” pahayag ni Eleazar.

Matatandaang sinampahan ng kasong administratibo si Salcedo kasunod ng pagkamatay ng 18-anyos na si Erwin Arnigo sa anti-illegal gambling operations ng Valenzuela City Police nitong Mayo 23. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.