Una sa Balita

Pulis na drug dealer todas sa Quezon buy-bust

By
0 239

PATAY ang isang dating intelligence officer at Drug Enforcement Unit (DEU) member ng Infanta, Quezon police matapos na makipagbarilan sa mga kapwa police sa buy-bust operation sa Barangay Pilaway sa nasabing ba­yan kahapon nang umaga.

Kinilala ang suspek na si PO2 Ian Rey Abitona, nakatalaga bilang desk officer ng Infanta Municipal Police station.
Ayon kay Senior Superintendent Osmundo de Guzman, Director ng Quezon PNP, dakong alas- 7:35 nang umaga, isinagawa ang operasyon laban sa nasabing pulis matapos makatanggap ng report na ito umano ang protector at dealer ng shabu sa bayan ng Infanta.

Subalit habang isinasagawa ang transaksyon, nakahalata ito na isa ding pulis ang ka-deal kaya nagbunot ito ng kanyang service firearm at pinaputukan ang mga pulis.

Nagkaroon ng maiksing palitan ng putok na humantong sa agarang pagkamatay ng suspek.

Sa ginawang validation ng Quezon police, kinumpirma na kasama sa drug wachlist ang suspek kaya sinibak ito bilang intel officer at miyembro ng DEU ng Infanta police station.