Una sa Balita

Pulis na COVID positive patay na; 1 pang opisyal naospital

0 866

Inihayag ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa na pumanaw na ang isang pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Pero tumanggi naman si Gamboa na magbigay ng iba pang detalye kaugnay nito.

Isang police colonel din anya ang isinugod sa hospital kagabi matapos mahirapan makahinga.

Kasabay nito, iniutos ni Gamboa na huwag nang i-deploy sa control points ang mga pulis na edad 46 taong gulang pataas.

Sa datos ng PNP, 13 pulis ang nagpositibo sa COVID-19, 182 ang Person Under Investigation (PUI) at 1,545 ang Person Under Monitoring (PUM).

Ayon kay Gamboa, karamihan sa mga PUI at PUM ay asymptomatic o walang ipinapakitang sistomas ng COVID-19. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More