Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis, driver patay sa Maguindanao bombing, 4 pa nasabugan

0 380

Patay ang isang pulis at sibilyang driver habang apat na iba pa ang sugatan sa pagsabog ng bomba sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Col. Arnold Santiago, Maguindanao police chief ang nasawing pulis na si at Master Sgt. Antonio Balasa, at driver na nakilala lang na Bobby.

Apat naman sa nasugatan ay sina Sgts. Larry Amoran at Guerrero Domingo; at Corporals Guai Mangrag at Clyde Peria.

Sa inisyal na ulat ng Shariff Aguak PNP, habang sakay ang mga pulis sa patrol car kasama si Major Erwin Tabora ng Provincial Drug Enforcement nang sumabog ang bomba sa gilid ng kalsada ganap na alas-8:30 ng gabi,

Puspusan ngayon ang isinasagawang imbestigasyon sa pambobomba. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.