Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis dinakma sa buy-bust

0 91

Swak sa kulungan ang isang tauhan ng Philippine National Police – Non-Uniformed Personnel (PNP-NUP) matapos makuhanan ng aabot sa P47,000 shabu sa ikinasang buy-bust operation ng kanyang mga katrabaho, Martes ng hapon sa Calabanga, Camarines Sur.

Sa report na nakalap mula kay PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Director P/BGen. Oliver Enmodias, naaresto ang isang NUP na si Norberto Elopre y Sergio, nakatalaga sa Magarao MPS, Camarines Sur PPO, PRO-5.

Inaresto si Sergio alas-5:20 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Zone 1, Barangay San Miguel, Calabanga, Camarines Sur matapos isagawa ng mga tauhan ng Team 5, IMEG Luzon Field Unit sa pangu­nguna ni P/Maj. Jorden Gutay, PDEA, CIDG at PIU Camarines Sur at Calabanga Municipal Police Station ang buy-bust operation.

Una nang naganap ang transaksiyon sa pagbili ng ilegal na droga at nang kukunin na ng suspek mula sa PDEA poseur-buyer ang P15,000 buy-bust money ay agad na siyang dinampot.

Nakumpiska mula umano kay Elopre ang apat na transparent plastic sachet na naglalaman ng pitong gramo ng shabu at nagkakahalaga ng P47,600, isang coin purse; P500.00 bill, isang Samsung cellphone, at isang motorcycle scooter.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek na pulis sa Calabanga Municipal Police Station habang iniha­handa ang kasong paglabag sa Art II, Section 5 and 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanya. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.