Una sa Balita

Pulis-Cebu inambus ng riding in tandem

0 423

TODAS ang isang pulis-Cebu matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem kahapon ng umaga sa Toledo City.

Dead on the spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Police Master Sergeant Junard Cinco, 38, naka-assaign sa Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cebu Police Provincial Office (CPPO). Suwer- te namang hindi nadamay ang asawa nito na angkas niya ng maganap ang pananambang.

Sa ulat na ipinadala ng CPPO sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 10:10 ng umaga sa kahabaan ng Brgy, Media Once ng nabanggti na lungsod.

Lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at asawa nito ga- ling na kanilang bahay sa Barangay Lutopan at patungo sana ng Barangay Poblacion nang pagbabarilin ng backrider na suspek.

Dahil sa tinamong mga tama ay agad na tumumba ang pulis sa sinasakyang motorsiklo kung saan bahagyang nasugatan naman ang misis nito matapos tumumba ang kanilang motor. (Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More