Una sa Balita

Pulis-Caloocan na nanlaban sa drug-bust, dedo

0 1,621

ISANG aktibong pulis-Caloocan na sangkot sa pagbebenta ng shabu ang napatay matapos na makipagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya kamakalawa nang gabi sa Dagat-Dagatan Ave., Bgy. 14 ng nasabing lungsod.

Kinilala ang suspek na si PO3 Ernesto Estrellas, Jr., na nakatalaga sa District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) na nasawi sa Caloocan City Medical Center habang nilalapatan ng lunas dulot ng tinamong mga bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ulat na natanggap ni NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar, pasado alas-otso nang gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nagkasama umano ng buy-bust operation ang mga pinagsamang mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) at District Intelligence Division (DID) ng NPD laban kay Estrellas matapos na isang undercover na pulis ang makabili ng pakete ng shabu sa kanya.

Ngunit sa gitna ng transaksiyon ay nakatunog si Estrellas na isang police decoy ang kanyang pinagbebentahan kaya agad siyang sumakay sa kanyang motorsiklong isang Yamaha Aerox at mabilis na tumakas.

Pero hinabol pa rin siya ng kanyang mga kabaro hanggang makorner sa nasabing lugar at sa halip na sumuko ay binunot nito ang kanyang service firearm at pinaputukan ang pulisya dahilan upang gantihan na rin siya ng putok ng mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy