Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis, 8 iba pa arestado sa pagkamatay ng Palawan lawyer

0 198

Dinakip ang isang pulis at walo pang suspek kaugnay sa pagkamatay ng isang abogado sa Palawan.

Sa inilabas na pahayag ng Philippine National Police, nahaharap sa kasong murder si Police Senior Master Sergeant Ariel Pareja, nasa kustodiya na ng Palawan Police Provincial Office.

Kasama sa mga respondent sina Jazer del Rosario, Marcelino Quioyo at anim na iba pa.

Ayon sa ulat, bodyguard ni Quioyo si Pareja.

Sangkot sa isang land dispute case si Quioyo kung saan ang biktimang si Palawan lawyer Eric Jay Magcamit ang abogado ng kabilang panig.

Maliban sa kasong kriminal ay inihahanda na ang mga kasong administratibo laban kay Pareja.

Nobyembre 17 nang harangin ng dalawang hindi pa kilalang suspek ang sinasakyang Toyota Innova ni Magcamit sa bayan ng Narra sa Palawan.

Patungo sana ang abogado sa bayan ng Quezon sa Puerto Princesa nang pagbabarilin ng mga suspek. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.