Una sa Balita

Pulis, 2 pa huli sa pot session sa Palawan

By
0 1,347

Arestado ang isang pulis sa Puerto Prin­cesa at dalawa pang kasama nitong sibilyan matapos na maaktuhan ng mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Station 1 na nagsasagawa ng pot session sa mismong bahay ng pulis.

Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Joy T. Celedonio, Jaymar Sto Niño at Shaolin Magallanes.

Ayon kay Senior Superintendent Ronnie Francis Cariaga, director ng Puerto Princesa Police Office, nakatanggap sila ng tip na nagsasagawa ng pot session sa bahay mismo ni Celedonio kaya pumunta umano sila dito nila naaktuhan ang mga suspek.

Nakuha sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at isang sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Si PO1 Celedonio ay itinuro rin ng isa sa mga nahuli ng mga kapulisan sa Puerto Princesa nitong nakaraang linggo na source umano niya ng droga kasama ang isa pang pulis ng siyudad.

Ayon pa kay Cariaga,­ nagpositibo si PO1 Celedonio sa suprise drug test na ikinasa ng Puerto Prin­cesa Police Office nang marinig ang pahayag ng nahuling drug suspect noong nakaraang linggo na si Nathalie Nino Velez I.