Una sa Balita

Pulis, 2 pa arestado sa buy-bust

By
0 233

Nadakip ang isang pulis ng AWOL (absent without leave) at dalawang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng Manila Police District-Police Station 5 (MPD-PS5), kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Kinilala ni Chief Insp. Salvador Tangdol, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 5, ang mga suspek na sina PO2 Francisco Balao Ylagan alyas ‘Boss’, 41, may-asawa, at residente ng No. 1923 F. Leveriza St., Pasay City; Nielsen Mosqueda, 39, tricycle driver, at residente ng No. 142 Maginhawa St., Pasay City, at Jessica Grace Estores Cabrera alyas ‘Negra’, 20, at residente ng No. 2150 Maginhawa St., Malate, Maynila.

Ikinasa ang buy-bust at nagkasundo ang poseur-buyer at mga suspek na idedeliber ang shabu sa panulukan ng Quintos St. at M.H. Del Pilar St.

Abante Hiring – IT dep

Dumating sa lugar si Ylagan na sakay ng tricycle kasama si Cabrera at ang nagmaneho ng tricycle na si Mosqueda.
Nang magkaabutan na ng pera at droga ay dito na inaresto ang tatlo.

Nagdahilan naman si Mosqueda na isinakay lamang niya bilang pasahero ang dalawa.

Nakumpiska sa mga suspek ang 21 sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust, isang itim na wallet na may National Bureau of Investigation (NBI) badge.