Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulis, 2 kasabwat timbog sa buy-bust

0 205

Bilangguan ang bagsak ng isang pulis at dalawang kasamahan nito matapos kumagat sa entrapment operation sa Brgy. Calayaan, Gerona, Tarlac, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Valeriano Leon ang mga suspek na sina Corporal Geymar Orquero, nakadestino sa Tarlac City Police Station; Joel Umagat ng Brgy. Sto. Domingo, Tarlac City; at Marvin Gadia ng Brgy. Calayaan, Gerona.

Nasakote ang tatlo sa buy-bust ng puwersa ng pulisya sa pangunguna ng Provincial Drug Enforcement Unit, dakong alas-10:00 ng gabi noong Biyernes.

Ayon kay De Leon, si Orquero ang itinuturing na lider at responsable sa pagtutulak ng shabu sa Gerona.

Nabatid kay De Leon na dating miyembro si Orquero ng Special Drug Enforcement Unit ng Concepcion Municipal Police Station noong 2019. Pinasok umano nito ang kalakaran sa droga matapos na makarelasyon ang isang babaeng drug pusher na si Josie `Jane’ Ignacio ng Concepcion, Tarlac.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 small heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu at may street value na P4,627. Nabawi rin sa kanila ang P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust.

Nakumpiska rin ang service pistol ni Orquero na Glock 17 na may serial number 65384 pati mga bala nito. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.