Una sa Balita

Pukpukang laban inaasahan ni Guiao versus Adelaide

0 228

INIMBITAHAN ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang Australian national team para makalaro sa tune-up game ng Gilas Pilipinas bago ang FIBA World Cup.

Pero hindi magtugma ang iskedyul ng dalawa, nagdesisyon ang SBP na ang isa pang team mula National Basketball League ng Australia, ang Adelaide 36ers, ang imbitahan.

Tuloy ang dalawang friendly games ngayon at sa Aug. 25.

July ng nakaraang taon nang magrambulan ang Boomers at Gilas sa window ng World Cup Asian Qualifiers.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas did the next best thing, which is to invite the Adelaide 36ers, which I thought would be good for Philippine basketball as we wanted to erase some of the memories of the past and replace them with good memories,” ani coach Yeng Guiao.

Gusto rin daw maka­tulong ng 36ers sa preparasyon ng Filipinos.
(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy