Una sa Balita

PUJ driver na nag-cutting trip nasampolan ni Mayor Isko

0 318

UMAPELA si Manila Mayor Isko Moreno sa mga drayber partikular ng mga public utility jeepney (PUJ), na sumunod sa batas kasunod ng panibagong nahuli sa pagka-cutting trip.

Iprinisinta ng alkalde ang naares­tong jeepney driver na si Willy Bajinding sa Manila City Hall kahapon.

Naaktuhan si Bajinding sa pagka-cutting trip at kinasuhan ng paglabag sa resistance and disobedience, at alarms and scandal matapos pumalag sa pag-aresto at hindi ibi­nigay ang kanyang lisensya.

“I hope this will be a gentle reminder to every driver that we are very serious about this thing in putting an order in the streets of Manila,” sabi ni Mayor Isko.

Sinabi pa ng alkalde, binigyan na ang mga ito ng pribilehiyo ng estado na makapaghanapbuhay nang ligal kaya huwag sana itong abusuhin.
Ayon kay Isko, masakit para sa kanya na gawin ang ganitong bagay dahil dati siyang sidecar boy.

Giit pa ni Moreno sa mga PUJ driver, iwasan na ang mag-cutting trip at huwag nang manggulang dahil sakto naman ang binayad ng mga pasahero. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy