Una sa Balita

PUIs at PUMs una sa Covid mass testing

0 322

Uunahin ng gobyerno sa gagawing mass testing sa April 14 ang mga persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM).

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles nitong Biyernes ng umaga kasunod ng anunsiyo ni Secretary Carlito Galvez na masisimulan na ang mass testing sa nabanggit na petsa.

Ayon kay Nograles, unang forcus ng gobyerno ang mga PUIs at PUMs bago gawin ang pagsusuri sa publiko na may sintomas ng coronavirus disease 2019.

“Ang prioriy po natin ay ang PUIs at PUMs. Doon muna tayo mag-focus before we go further than that,” ani Nograles.

Inihayag ni Galvez nitong Huwebes ng gabi na mayroon ng siyam na accredited hospitals para magsagawa ng mass testing at pinapabilis na rin ang proseso sa accreditation ng maraming laboratoryo sa bansa para masimulan na ang mass testing sa buong bansa.

Kabilang sa mga ospital na maaaring makapag-proseso ng COVID test ay ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ; San Lazaro Hospital; UP National Institutes of Health; Lung Center of the Philippnes; Baguio General Hospital; Medical Center in Benguet; Western Visayas Medical Center (ILoilo City) ; Vicenter Sotto Memorial Medical Center(Cebu) ;at Southern Philippines Medical Center sa Davao City. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More