Una sa Balita

PUI na 80-anyos patay sa coronavirus

0 347

PATAY ang 80-anyos na lalaki matapos itong tamaan ng coronavirus disease-19 (COVID-19), ayon sa Dagupan City local government unit (LGU) noong Linggo.

Sa isang panayam, sinabi ng city’s public information office (PIO) na ang biktima ay namatay bilang patient under investigation (PUI) noong nakaraang Huwebes (April 2).

Subalit, ayon sa PIO, noong Linggo lang lumabas ang test result ng biktima na inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine.

Ang bangkay ng 80-anyos na biktima ay sinunog noong Biyernes (April 3). Wala itong travel history pero may record na nakisalamuha siya sa tao na galing Metro Manila.

Samantala, sinigurado ni Dagupan City Mayor Brian Lim sa mga residente na nagtratrabaho ang mga health personnel para sa contact tracing.

Maliban sa matandang lalaki, dalawa pang PUI ang naiulat na namatay sa nasabing siyudad.

Ang biktima ay pang-anim na nakumpirmang may kaso ng nasabing virus sa Dagupan City.

Noong Linggo ng gabi, ang Dagupan City LGU ay napagtala ng 38 PUI at 1,867 person under monitor (PUM).

Ang siyudad ay may kabuuang higit na 171,271 na papulasyon base sa 2015 census. (Allan Begornia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More