Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pugo na balut pampagana sa mag-asawa

0 119

Usap-usapan ng mga netizen ang bite-size balut na itinitinda sa Santa Maria, Bulacan.

Sa Facebook post nito, nilahad ng Aleckz’s Pugolot ang mga benepisyo ng pagkain ‘pugo na balut’. Anila, ito ay bukod sa malinamnam, healthy food din umano ito dahil mayroon itong protein, iron, at calcium.

Mabisa rin umano ito bilang energy booster at aphrodisiac o nakakapagpataas ng sexual desire para sa mga couple.

“Pwede ito i-substitute or i-mix & match sa chicken, pork or beef kung medyo tight ang food budget ninyo,” sabi pa ng Aleckz’s Pugolot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa halagang P120, mayroon ka nang 25 piraso ng uncooked pugo na balut. Swak din umano ito bilang ulam, meryenda o pulutan.

Pero ayon sa Aleckz’s Pugolot, mas mataas ang cholesterol ng pugolot kaysa sa regular na balut kaya payo nia, kailangang maghinay-hinay ang mga may high blood.

Para sa instruction ng pagluluto, kailangan umanong na mapakuluan ito agad mula sa araw na inorder para hindi na lumaki ang sisiw ng pugo.

Patok ito sa mga netizen at may nagbiro pa na sana sa susunod naman ay ostrich egg balut. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.