Una sa Balita

Puganteng Tsinoy hinarang sa NAIA

0 257

PINIGILANG makapasok ng bansa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang puganteng Tsinoy na wanted ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa pagkakasangkot sa mga krimeng pang-ekonomiya.

Ayon kay BI-Interpol Chief Atty. Rommel Tacorda ang 42-anyos na si Wu Chuqui ay naharang noong hapon nang Miyerkoles sa NAIA terminal 3 paglapag ng kanyang sinasakyang Cathay Pacific flight mula Hongkong.

Si Wu, na nasa talaan ng red notice ng Interpol noong pang Agosto ng nakaraang taon ay agad na ibinukod at pinasakay sa unang available flight ng Cathay Pacific pabalik ng Hong Kong kung saan siya ay inaresto ng mga awtoridad ng China, ani Tacorda.

“We informed our Chinese counterparts about the interception, so they waited for him and took him into custody upon alighting from his plane,” sabi pa niya.

Nabatid na si Wu ay wanted sa money laundering dahil sa pagkakasangkot sa isang illegal business operation, at nasasaklaw ng arrest warrant na inilabas noong Oktubre 2018 ng Public Security Bureau sa Shenzhen, Shantou, China.

Kapag napatunayan itong nagkasala, si Wu ay mahaharap sa maximum penalty na 15 taong pagkakulong dahil sa mga iligal na aktibidad sa negosyo.

Agad nahuli si Wu dahil na rin sa isang database ng BI ng mga dayuhan na nasa talaan ng mga derogatory record ng Interpol, kaya agad silang nakikilala kapag sila’y dumating sa bansa.

Ang nasabing database ay patuloy na ina-update, at naka-ugnay sa network ng National Central Bureau ng Interpol sa Maynila.

“Our immigration officers can immediately intercept foreigners wanted by the Interpol. Because of our access to the Interpol database, one swipe in our passport scanners will immediately reveal a hit,” dagdag pa nito. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy