Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Puganteng lady Taiwanese timbog

0 205

Isang babaeng Taiwanese na wanted sa Taipei dahil sa pamemeke ang dinampot ng Bureau of Immigration (BI).

Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, si Peng Hui Ying, 61-anyos ay inaresto noong Enero 12 sa isang condominium unit sa Araneta Ave., Quezon City.

Ayon sa fugitive search unit (FSU) ng BI, hinuli ang dayuhan sa bisa ng mission order na inilabas ni Morente sa kahilingan na rin ng mga awtoridad ng Taiwan na nakabase sa Maynila.

Nabatid na ang warrant of arrest laban kay Peng ay inilabas noong 2017 ng isang district court sa Hsinchu, Taiwan kung saan siya kinasuhan ng pamemeke.
Lumiltaw na pinalsipika ni Peng ang isang financial instrument upang dayain ang isang Taiwanese na biktima ng halos US$14,000.

Lumalabas din sa imbestigasyon na ang suspek ay overstaying alien na dahil sa talaan na huling dumating siya sa bansa ay mahigit 5-taon na siyang turista. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.