Una sa Balita

Puganteng Koreano naharang sa NAIA

0 205

Inaresto ng mga ope-ratiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Internationa­l Airport (NAIA) ang isang wanted na Koreano dahil sa ginawang pandaraya sa kanyang bansa.

Kinilala ni BI port operation division chief Grifton Medina ang 38-anyos na si Jang Hongsuk na naharang sa NAIA 3 terminal noong Agosto 9 habang pa-sakay ito ng Air Asia flight papuntang Seoul, South Korea.

“He seemed to not know that he was already in our alert list of wanted foreign fugitives when he booked his flight,” ani Medina. Kasalukuyang ikinulong ang pasahero sa BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Kasalukuyang inaa-yos ng BI board of commissioner ang kautusan para sa kanyang summary deportation.

Nabatid na si Jang ay kasama sa listahan ng mga nakaalertong pasahero ng BI matapos abisuhan ng embahada ng Korea ang BI na nasa bansa ang dayuhan.

Dumating si Jang sa bansa noong ika-10 ng Pebrero, halos anim na buwan matapos niyang gawin ang naturang krimen sa Korea. Nitong nakaraang buwan ay naglabas ng red notice ang Interpol laban sa naturang pugante.

(Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy