Una sa Balita

Puganteng Iranian national hinarang sa NAIA

0 317

HINDI tuluyang nakapasok sa bansa ang isang wanted na Iranian national nang maharang ng mga immigration officer pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang dayuhan ni Chief Grifton Medina ang 31-anyos na si Zare Bahari Bahareh na agad hinuli ilang oras matapos itong dumating sa NAIA terminal 3 mula Dubai.

Sinabi ni Medina na naugnay ang dayuhan sa assault and battery case sa Dagupan.

Habang ipinapatupad ang ­exclusion ni Zare Bahari, isa pang Iranian national na nakilalang si Minbashi Moeini Morteza ang lumapit sa immigration arrival area at nagwala.

“Morteza was unruly. He was able to enter restricted areas at the airport, collect the luggage of Bahari, and sneak into the immigration arrival area to personally fetch his compatriot, surprisingly without an airport pass,” ayon sa ulat ng BI.

Sumigaw pa umano si Morteza ng “Jesus kill you all Filipinos!” kaya dinala na sa kustodiya ng airport security personnel. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy