Una sa Balita

Pugante sa Laguna todas sa granada

By
0 1,359

NAGWAKAS ang pagtatago sa batas ng isang takas na inmate sa Quezon makaraang ito ay masabugan ng granadang kanyang iniingatan sa kanyang pinagtataguang bahay sa Sitio Daang Bakal, Brgy. Cabanbanan Pagsanjan, Laguna kamakalawa ng gabi.

Dead on-the-spot ang biktimang nakila­lang si Nelson Romulo y Sidlacan, isang karpintero at tubong Mulanay, Quezon.
Batay sa imbestigasyon ng Pagsanjan police, bandang alas-7:30 ng gabi, nanonood ng TV sa loob ng kanyang bahay ang biktima nang biglang may malakas na pagsabog na naganap sa bahay.

Agad isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival ng doktor.

Sa pagsisiyasat ng Regional Bomb Squad at ng Scene of the Crime Ope­rative (SOCO) mula sa Laguna Provincial Crime Lab, napag-alaman na isang MK2 fragmentation hand grenade ang pinagmulan ng pagsabog.

Ayon sa anak ng biktima, sa kanyang tatay ang sumabog na granada.