Una sa Balita

Pugante dinakma sa Navotas

0 248

By Vick Aquino

Nalambat ng Navotas City Police ang 28-anyos na lalaki na matagal nang tinutugis simula nang makatakas ito sa detention cell noong nakaraang taon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasa-bas ang naarestong suspek na si Alexander Illustrisimo, na tinaguriang No. 3 Most Wanted person at may kinakaharap na kasong Murder sa Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286.

Ayon kay Col. Balasabas, si Illustrisimo ay naaresto noong Enero 1, 2018 matapos magpaputok ng kanyang baril su-balit, nagawa nitong makatakas sa kulungan.

Ang suspek ay may naka-pending na warrant of arrest na inisyu ni Judge Pedro Dabu, Jr. ng Navotas RTC Branch 286 sa kasong murder na naging dahilan upang magsagawa ng manhunt ope-ration ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/SMSgt. Generoso Gagatiga kontra sa suspek.

Hanggang sa maaresto ang suspek bandang alas-9:45, Lunes nang umaga sa labas ng kanyang bahay sa No. 149 Ba-ron St., Brgy. North Bay Boulevard North matapos makatanggap ng tip ang mga tauhan ng WSS na nakita ito sa naturang lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy