Una sa Balita

Puerto Princesa Vice Mayor Marcaida nahulihan ng kontrabando sa kulungan

By
Mayor-Luis-Marcaida
0 1,640

Nakuhanan ng mga ipinagbabawal na kontrabando sa loob ng kulungan ang nakapiit na si Puerto Princesa City Vice Mayor Luis Marcaida sa isinagawang Oplan Linis Piitan sa Puerto Princesa City Jail nitong Enero 6.
Ayon kay Marlito Anza ng Puerto Prin­cesa City Jail, nakuhanan si Marcaida ng dalawang cellphone, dalawang charger, tira-tirang sigarilyo, at ilang tupperware.

Sinabi pa ni Anza na ang pagkakaroon ng mga ganitong kontrabando ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng piitan.

Maaaring maharap sa disciplinary action si Marcaida, katulad ng pagkakalagay sa close-confinement dorm o ‘di kaya’y mabawasan ang oras na pwede siyang bisitahin.

Ang mga nasabing rekomendasyon para sa disciplinary action para kay Marcaida ay idadaan pa kay City Jail Warden Lino Soriano na kasalukuyang nasa bakasyon.

Sinabi pa ni Anza na handa rin umanong tanggapin ni Vice Mayor Marcaida ang nasabing disciplinary ­action.