Una sa Balita

Publiko, umalma sa malaking interes ng kuryente

By
0 4

ZAMBOANGA CITY — Inalmahan ng publiko ang pagtataas ng interest rate ng Zamboanga City Electric Cooperative (ZAMCELCO) matapos itong ipatupad ngayong buwan lamang.

Sa bagong billing statement ng ZAMCELCO ay 10% agad ang interest nito sa mga hindi agad makakapagbayad ng kanilang kuryente. Hirap naman makunan ng pahayag ang manager ng electric cooperative na si Edgardo Ancheta na tila umiiwas sa media dahil na rin sa iba’t ibang isyu ng ZAMCELCO.

Hindi pa mabatid kung aprubado ba ng National Electrification Administration ang biglang pagtataas ng interest rate sa mga consumers na hindi maka­kabayad sa takdang oras. Automatic na rin sa billing statement ang dagdag na interest.