Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Publiko pinag-iingat vs scammer sa PRB

0 65

Pinag-iingat ng Philippine Regulatory Commission (PRC) ang publiko, partikular ang mga examinee, laban sa mga peke at scammer sa mga Professional Regulatory Board (PRB) sa bansa.

Pinayuhan ng PRC ang mga kukuha ng professional board exam na huwag magpapalinlang sa mga nagpapanggap na miyembro ng PRB dahil unang-una ay hindi lumulutang sa testing venue ang mga lehitimong taga-PRB para makipag-usap sa mga examinee.
Hindi rin anila namimigay ng calling card at lalong hindi nagpapabayad ang mga miyembro ng PRB bilang garantiya ng pagpasa nila sa pagsusulit.

Kaugnay nito, nanawagan ang PRC sa publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinumang magpapanggap na miyembro ng PRB na hihingi ng pera at mangangako ng pagpasa nila sa pagsusulit. Mayroong 45 PRB sa ilalim ng PRC sa buong bansa. (Mak Delantar Joven)

Leave A Reply

Your email address will not be published.