Una sa Balita

Publicity Grab?

By
0 785

Nagbibigay daw ang Grab Philippines sa MMDA ng 100 mga ‘body camera’ para gamitin ng ahensiya sa pagdisiplina sa mga pasaway na motorista at pagpapanatili ng kaayusan sa kalsada.

Maganda ang intensiyon, ang tanong ano ang kapalit nang pagkilos na ito ng Grab na hanggang sa ngayon ay patuloy na hindi nagbibigay ng ‘breakdown’ sa resibong iniisyu sa mga pasahero?

‘Transparency’ sa kalsada ang panguna­hing dahilan kung bakit nag-donate ang Grab ng ‘body cam’ sa MMDA.
Ano ang gagawin ng isang traffic enforcer na may nakakabit na ‘body cam’ kung ang masisita ay drayber ng ‘Grab taxi?’

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa MMDA, wala sa usapan na ligtas ang sinumang Grab driver na mahuhuli o masisita dahil sa paglabag sa batas na ipinatutupad ng ahensiya.

Sa kulturang Pinoy, ang ‘pakiusap system’ ay napakalalim pa rin. Wala sana tayong marinig na pinalusot ng isang traffic enforcer ang isang Grab driver na isinangkalan ang donasyon ng Grab Philippines.

Related Posts

Sa ngalan ng ‘transparency’, tinanggap ang donasyon mula sa Grab na mayroon pang dapat panagutan sa LTFRB, matatanggihan ba ng MMDA kung magbigay din ng donasyon ang mga kompanya ng bus na may mga barubal na tsuper?
Saklaw kaya ng Commission on Audit ang mga ganitong donasyon?
***
Malaki ang maitutulong ng pribadong sektor sa pagpapatupad ng mga proyekto ng gobyerno, lalo na’t kapos sa pondo.
Pero dapat ding mag-ingat ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagtanggap ng tulong mula sa mga grupo o kompanya na nahaharap sa usapin tulad ng Grab na hanggang sa ngayon ang ‘multo’ ng ‘overcharging’ sa mga pa­sahero ay hindi pa naayos.

Baka ang perang ibi­nili sa mga ‘body cam’ na ibinigay sa MMDA ay maging dahilan para hindi maibalik ang sob­rang siningil ng Grab sa mga pasahero.

***

Sa bagong liderato ng Senado sa pamumuno ni Senate President Tito Sotto III, sana matutukan agad ang walang tigil na pagsirit sa presyo ng mga bilihin resulta ng ipinatutupad na Tax Reform Acceleration For Reform and Inclusion o TRAIN Law.

Sa nakalipas na limang buwan ng taong 2018, hindi na bumaba ang presyo ng mga bilihin, ang bayarin sa tubig at kuryente ay tumindi pa.

Senate President Sotto pakisilip po ang usa­ping ito.