Una sa Balita

Public shaming tatalakayin sa QC LGBT Pride March

By
0 10

Malaki ang tsansa na talaka­yin sa QC LGBT Pride March o QC Wonderland ang kaso ng 11 kalalakihan na dinakip noong November 26 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hotel sa Taguig City dahil sa paggamit ng illegal drugs.

Marami ang nagalit sa PDEA at sa News5 ng TV5, lalo na ang mga miyembro ng LGBT community, dahil inilabas nila ang mugshots ng mga suspect at kinumpirma na HIV positive ang isa sa mga inaresto.

Ang QC Wonderland ang pinakaabangan na Pride March at magaganap ito sa December 9 sa Tomas Morato, Quezon City.

Annual project ng Quezon City Pride Council ang LGBT Pride March na pangunahin na layunin na ipaglaban ang mga karapatan ng mga tomboy, bakla, bisexual at transgender.
Para sa LGBT community, mga biktima ng public shaming at nilabag ang mga karapatan na pantao ng mga kalalakihan na hinuli sa drug bust operation sa Taguig City dahil inilantad sa publiko ang kanilang mga pangalan at mukha.

At any rate, inaanyayahan ang lahat na makiisa at dumalo sa Quezon City LGBT Pride March sa pamamagitan ng online registration at pagbisita sa official Facebook page ng QC Pride March, ang www.Facebook.com/qcpridemarch.

Ang television host na si Boy Abunda ang isa sa mga invited guest sa QC LGBT Pride March na suportado ni Mayor Herbert Bautista na committed sa pangangalaga ng mga karapatan ng kanyang mga nasasakupan at ng LGBT community.

Coco nahasang magdirek kay Direk Brillante

coco-martin
Coco Martin

May matandang kasabihan na daig ng maagap ang masipag pero sa kaso ni Coco Martin, ipinakita niya na masipag at maagap siya. Official entry sa Metro Manila Film Festival 2017 ang Ang Panday at sa lahat ng mga artista na may pelikula na kasali sa MMFF, si Coco ang masipag sa pagpo-promote dahil nagsi­mula na ang mga provincial tour niya.

Unang movie directorial job ni Coco ang Ang Panday. Siya rin ang isa sa mga producer ng pelikula kaya nakatutok ang aktor sa promo ng movie project na pinaghirapan niya.

May malawak na kaalaman si Coco sa paggawa ng mga pelikula dahil noong hindi pa superstar ang kategorya niya sa entertainment industry, siya ang crowd director sa ilang indie movie ng direktor na si Brillante Mendoza.

Dionne at Tart may surprise guests

Ang musical comedy show na Walang KokontraBida ang main attraction ngayong gabi, 9 pm, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Mga bida sa Walang KokontraBida sina Dionne Monsanto, Tart Carlos, Dodj Mallari at may special participation ang XB Gensan, ang dancers ng It’s Showtime.

Ang RALF Advertising and Management Events ang producer ng Walang KokontraBida na may surprise guests, ang mga artista na nakasama nina Dionne at Tart sa mga teleserye nila noon sa ABS-CBN.