Una sa Balita

‘P*t@n91n^!’ ni Kathryn naka-1M view na

0 393

“P*t@n91n^!” Madalas na mura ng mga Pilipino bilang ekspresyon. Madalas kapag naririnig iyan sa ibang tao ay nagkakaroon ng masamang impression, pero para sa mga fan ay tila naging pinaka-cute pang ekpresyon ang salitang ‘yon dahil kay Kathryn Bernardo.

Sa pinakahuling in-upload kasi ni Kathryn na vlog, which is ‘yung pangalawang episode ng kanilang Iceland tour ni Daniel, mayroong eksena na medyo nadulas si Kathryn at ‘di na na-filter ang kanyang bibig, ‘di napigilang magmura at sabihin ‘yung salitang “P*t@n91n^!”

Tawang-tawa ang mga netizen sa pagkakabigkas ng aktres sa salitang ‘yun, at kumalat din agad sa social media ang tanging bahagi ng vlog kunsaan napamura nga si Kathryn.

‘Di makapaniwala ang mga fan na nagmumura pala ang aktres, pero ‘di naman naging masama ang dating ng mura ni Kath sa kanila, bagkus pinanggigilan pa dahil cute daw ang pagkakabitaw nito ng “P*t@n91n^.”

Well, hindi ito ang unang beses na narinig magmura ang aktres dahil mayroon namang eksena sa pelikula nila noon na “The Hows Of Us” na napamura na si Jo (Kath) sa sobrang puno o inis kay Primo (DJ).

Pero ito ang unang beses na narinig ang aktres na magmura without a script. Siyempre, sa pelikula ay scripted ang pagmumura, unlike sa kanyang vlog ay sobrang natural ng kanyang reaksyon.

Halos mag-iisang milyon na nga ang views ng naturang episode dahil sa pagmumura ni Kathryn. Pero ang pinaka-bongga talaga ay ‘yung 1 million na ang kanyang subscribers sa YT sa loob lamang ng 16 days na siya ay nagsimulang bumuo ng vlog account. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More