Una sa Balita

Psychic Healer, Nabulabog sa nga Gumagalang Anino

0 417

Mga ka-Misteryo napansin niyo bang dumami ngayon ang mga gumagalang anino na sa tingin ng isang psychic healer ay masamang pangitain sanhi ng covid-19 pandemic.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Mismong si Remo ng Maynila ay nangangamba na sa nangyayari ngayon epekto ng Coronavirus lalu na at marami na ang mga namatay.

Hindi na bago para kay Remo na makakita ng mga anino dahil isa siyang clairvoyant pero napansin niya na mas maraming anino ang nakikita nya ngayon.

Yan ang inusisang mabuti ng #Misteryo kay Remo.

Misteryo: “Saan mo nakita ang mga anino? Nakakatakot ba hitsura nila?”

Remo: “Tulad lang talaga sila ng anino, walang mukha pero nakakakilabot lang pag dumadaan sila sa tabi ko o kaya nasasalubong ko dahil alam ko simbolo sila ng kamatayan.”

Misteryo: “Sabi mo mas marami sila ngayon na gumagala, ibig ba sabihin marami pa ang posibleng mamatay?”

Remo: “Tama ganun nga nakakatakot lang baka kasi kapitbahay ko na ang sinusundo nila.”

Related Posts

Misteryo: “Nabanggit mo sinusundo nila ang mga patay, sila ba yung nakagisnan nating paniniwala tungkol kay Kamatayan? Yung may hawak na karit?”

Remo: “Tama sila nga yun pero hindi ko naman nakita kung may hawak silang karit.”

Misteryo: “Gaano mo sila kadalas makita ngayon? Paisa-isa lang ba o maramihan?”

Remo: “Mas madalas ko sila makita ngayon at grupo sila kung dumaan sa paligid ko. Ewan ko ba kung bakit lagi dinadaanan ang lugar ko mukhang highway ata ng soul reapers. Kadalasan nakikita ko sila mga alas-11 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling araw. Paisa-isa naman may nakakasalubong ako pag araw.”

Misteryo: “Anong ginagawa mo tuwing nakikita mo sila lalu na alam mong may susunduin silang kaluluwa.”

Remo: “Nagdarasal na lang ako at humihingi ng awa sa Diyos na tanggapin sa kanyang kaharian ang mga namamatay.”

Nakakatakot ang nangyayari ngayon dahil hindi pa humuhupa ang bagsik ng covid-19 pero wag tayo mawalan ng pag-asa, ang lahat ng problema ay may solusyon kaya’t magtiwala tayo sa mga eksperto pero kailangan gawin natin ang nararapat na pag-iingat.

Para sa mga kuwentong karanasan ng kababalaghan at misteryo, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More