Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Psychic Healer nabahala sa mga Ispiritung Itim

0 86

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo maging alerto tayo sa mga panahon na ito at hindi lang mag-ingat sa kumakalat na Covid-19 kundi maging ng mga gumagalang masasamang ispiritu.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Mang Ago ng Bulakan ay mahigpit ang babala sa tao laban sa gumagalang mga itim na ispiritu dahil nakikita niya ang mga ito kahit saan siya magpunta.

Misteryo: “Ganito ba ang nakikita mo kahit saan ngayong panahon ng ito na may pandemya?”

Mang Ago: “Oo kasi yang masasamang Ispiritu ang nagdadala ng sakit sa tao, sila ang nakikita kong may dala ng covid-19. Mas marami sila ngayon kasi hindi na rin makapagsimba ang maraming tao.”

Misteryo: “Ganun ba? Paano mo nasabi yun? Saan mo ba nakikita yang mga ispiritung itim?”

Mang Ago: “Kahit saan pero madalas ko sila makita sa mga bahay at parang gusto nilang magsama ng mas maraming kaluluwa ng mga namatay sa covid-19.”

Misteryo: “Ano ba hitsura ng mga nakikita mong masasamang Ispiritu? Nakakatakot ba?”

Mang Ago: “Kung hindi ka sanay makakita ng mga bad spirit, matatakot ka kasi may pulang mata sila na malausok na Itim ang kanilang katawan.”

Misteryo: “Sa nakikita mo paano nakakapasok sa mga bahay ang mga bad spirit na yan? Lahat ba ng tao nakikita sila o iilan lang?”

Mang Ago: “Hindi lahat ng tao makikita sila kaya kadalasan tinatawanan ang mga nakakakita sa kanila at nababansagan na baliw ang mga nagsasabing nakikita nila ang bad spirits. Kung paano sila nakakapasok sa bahay na hindi namamalayan…madalas silang makita sa kakaibang anyo para makapasok sa mga bahay. Madalas nanlilisik ang mga mata nila at may time nag-iiba sila ng anyo para hindi mapansin ng mga psychic. Nakikita ko sila nag-aanyong hayop tulad ng itim na baboy or itim na ahas. Madalas magkasama yang dalawang uri ng hayop. Madalas silang pumapasok sa mga bahay na tahimik kasi hindi sila na-iistorbo.”

Misteryo: “Ano suggestion mo para hindi makapasok sa bahay ang mga masasamang Ispiritu na yan?”

Mang Ago: “Dapat kasi naiingayan sila para hindi makapasok sa bahay o kaya maitaboy sila sa labas.”

May binanggit pa sa Misteryo si Mang Ago na dapat maglagay ng pangalan ni Hesukristo sa pintuan ng bahay para hindi makapasok ang mga itim na ispiritu.

Para sa inyong kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.