Una sa Balita

Psychiatric hospital inatake ng pasyente, 4 patay

0 249

ISANG pasyente sa psychiatric hospital sa Romania ang nagwala na ikinamatay ng apat katao at pagkasugat ng siyam na iba pa. Nag-ugat ang trahedya sa ospital nang pasukin ng 38-anyos na lalaking pasyente ang isang treatment room at niligalig ang mga kapwa pasyente gamit ang transfusion stand.

Dahil sa nangyaring dahas ay nagtamo ng sugat sa ulo ang tatlo sa mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan habang ang isa pa ay binawian ng buhay sa ospital.

Maliban sa apat na nasawi may siyam na iba pang nada­may sa pagwawala kung saan dalawa sa mga ito ay comatose.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy